Akala

Akala ko, okay na ako.
Hindi na kita nakikita, nakakausap, nakakasama.
Ni hindi ko na nga matandaan paano tayo nagsimula.
Mga panahong tayo’y naging masaya.
Hanggang sa bumalik ang mga ala-ala mo
Na matagal ko ng ibinaon sa sulok ng utak ko.

Akala ko, okay na ako.
May mga araw lang pala na kinakaya ko.
Lahat ng mga pangakong ipinako mo,
At mga pangarap na parehas nating binuo,
Kung lahat ng iyon ay kinalimutan mo,
Bakit ba hanggang ngayon tandang-tanda ko?

Akala ko, okay na ako.
Akala ko, tapos na ang kalbaryo ko.
Hanggang sa mabuo ko ang tula na ito,
Gamit ang mga salitang tila tumutugma
Sa kung ano ang nararamdaman ko
Kasi hanggang ngayon, mapait pa rin ang katotohanan.

Akala ko, okay na ako.
Siguro hindi pa ngayon..
Siguro hindi pa bukas..
Ngunit darating din ang isang araw,
Matatanggap ko rin ang lahat
Magiging okay din ako.

One thought on “Akala

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s